Friday , November 22 2024

PNP comptroller, dapat magpaliwanag sa P25-M mansiyon ni Purisima

DAPAT imbestigahan ng Kongreso hindi lamang ang pagkabenta ng 900 AK-47 assault rifles sa New People’s Army (NPA) kundi maging ang pagpapatayo ng Philippine National Police (PNP) ng mansiyon na nagkakahalaga ng P25 milyon.

Ayon sa Lakap Bayan, isang pangkat ng mga dating opisyal ng Armed Forces of the Philippines at PNP na nagbabantay sa katiwalian at kabulukan sa gobyernong Aquino, kung mayroon dapat magpaliwanag sa mga anomalya ay si PNP Director for Comptrollership Rolando Purugganan dahil siya ang kumokontrol sa kaban ng PNP.

“Hindi lamang si (PNP Chief Director General Alan) Purisima ang nakaaalam sa bentahan ng mga armas sa kalaban ng estado kundi maging ang PNP Comptroller at siyempre, sino ba ang nag-aproba sa pagpapagawa ng maluhong mansiyon para sa PNP Chief?” tanong ni Lakap Bayan spokesman ex-Col. Alan Jay Marcelino.

Ibinunyag ni Marcelino na mayroon na silang mga katibayan na sangkot si Purugganan sa land grabbing syndicate sa Antipolo City at iniutos na ng Supreme Court (SC) ang pagpapawalang bisa sa titulo ng kanyang lupa sa Pagrai Hills, Brgy. Mayamot, Antipolo City.

“Sinabi na ni Purisima na magtatanong muna siya sa PNP Comptroller kung bakit umabot ng P25 milyon ang mansiyon na tinatawag na White House sa loob ng Camp Crame at tirahan ng PNP Chief kaya malaki ang dapat ipaliwanag ni Purugganan,” giit ni Marcelino.

Dahil dito, hiniling ng Lakap Bayan sa House Committee on Public Order and Safety na ipatawag si Purugganan para magpaliwanag sa maluhong mansiyon gayon din sa kanyang kaugnayan sa 900 AK-47 assault rifles na napasakamay ng mga rebeldeng komunista.

“Malaki ang magagawa ng P25 milyon para makabili ng mahahalagang gamit laban sa kriminalidad lalo sa riding-in-tandems pero bakit inuna pa ni Purugganan ang pagpapagawa ng mansiyon para sa kanyang boss?” ani Marcelino.

“Napakaraming mabibiling police cars at radyo ang P25 milyon para sa police visibility pero bakit inuna nila ang maluhong mansiyon?”

(HATAW News Team)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *