GANYAN din kay Laguna Governor E.R Ejercito na hindi pinag-usapan ng matagal. Agad-agad, baba! Para sa kanila, isa si Gov. E.R sa mga the best leader ng kanilang probinsiya. Maraming achievement sa kaunlaran ng lalawigan, workaholoc mapa-day o night. Kapag kailangan ng mamamayan, hanapin lang siya sa Kapitolyo at naroon siya, pwedeng hingan ng tulong. Pero dahil sa overspending daw ng nakaraang eleksiyon, labis daw ang gastos sa itinakdang dapat gastusin. Eh, ang bilis, agad-agad na iwinasiwas ang tabak sa ulo ng butihing gobernador, baba agad.
Pero infairness, hindi takot si Governor E.R, ang ikinatatakot niya ay ang galit ng mga taga-Laguna sa mga nagpa-alis sa kanya, baka magkaroon ng kaguluhan at may mangyaring hindi kanais-nais, posibleng may magkasakitan kaya dahil sa pagiging maka-Diyos niya ay hindi na siya nagpahirap pa bagkus ay nagkusa na lamang dahil sa pagmamahal niya sa kapwa.
Well, nagpasalamat pa rin ang mabait na Gobernador sa kanyang mga kababayan. Pero may banta na babalik siyang muli. Hintayin ang pagbabalik ni Asiong Salonga. Ganoon!