Wednesday , December 25 2024

Mister nawala ngipen nalaglag

Gd day po,

Pki interpret nmn po panaginip q. lagi q po kz napapanaginipan ang asawa q na lumayo samin ng mga anak q.ngwork daw xa at taon bago kmi ngkaron ng kuntak s cp..at ksma po lagi na nglalaglagan mga ngipin ko sa mga palad q..taurus po ng las piñas. slmt po. aabangan q po s hataw (09395646976)

To Taurus,

Ang ganitong tema ng panaginip ay nagha-highlight sa iyong mga insecurities at ng iyong takot o pangamba na ikaw ay maabandona o iwanan ng iyong asawa o minamahal sa buhay. Posible rin na nakakaramdam o naiisip mo na ikaw ay nababalewala o kaya naman, ikaw ay taken for granted. Pakiwari mo ay hindi ka nabibigyan o napaglalaanan ng sapat na atensiyon o kaya, ang iyong asawa ay hindi ka binibigyan o pinag-uukulan ng sapat na pagmamahal. Pakiwari mo ay kulang o walang init ang pagtingin o trato niya sa iyo. Alternatively, pakiramdam mo ay hindi ka umaabot sa inaasahan o expectations sa iyo ng iba, lalo na ang mga malalapit sa iyo. Ito ay maaaring nangangahulugan din ng paghahanap ng outlet para sa iyong nadarama. Dapat tandaan na ang tiwala ay isa sa pundasyon ng maayos at matiwasay na pamilya at pagsasama ng isang couple. Kaya, marapat lamang na lagi itong isa-alang-alang, lalo na kung wala ka namang sapat na rason upang magduda sa iyong asawa.

Ang panaginip naman hinggil sa bumabagsak o nalalaglag na ngipin ay kabilang sa tinatawag na most common dreams. Ang ganitong panaginip ay maituturing na hindi lamang horrifying at shocking, kundi, ito ay nag-iiwan din ng hindi maganda sa iyong alaala. Isa sa teorya ng ganitong uri ng bungang-tulog ay ukol sa iyong agam-agam hinggil sa iyong itsura at kung ano ang pananaw sa iyo ng iba. Ito ay maaarin rin namang babala na may kinalaman sa negosyo o pagkakaparehan at hinggil din sa iyong kalusugan. Maaaring napapabayaan mo ang mga bagay na ito at kailangan ang lubos na pagbibigay mo ng iyong oras o pagtutok dito. Kung nababahala ka naman dahil may mga nagsasabi na ang ganitong panaginip ay ukol sa kamatayan, ang mga matatanda ay may itinuturing na pangontra sa ganitong bungang-tulog. Pagkagising na pagkagising daw matapos managinip na natanggal ang ngipin mo, dapat ay magdasal at maghanap ka ng anumang punongkahoy, at sa maaabot na sanga nito na maaari mong kagatin, kagatin mo ito nang marahan (na hindi makakasira sa ngipin mo o makakasakit sa iyo). Walang scientific basis siyempre ito, subalit kung para naman sa ikapapanatag ng kalooban mo, wala namang mawawala sa iyo kung gusto mo itong gawin o subukan.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *