ANG well-designed jewelry ay excellent feng shui way upang mapangalagaan ang inyong personal energy.
Ang piraso ng jewelry bilang feng shui cure, ay hindi ibig sabihin na kailangan mayroon itong katagang “feng shui,” kundi ito ay dapat na may good energy elements, katulad ng balanced, harmonious design, good feng shui symbols at ideally natural, untreated crystals stones.
Ang precious gems, stones at metals ay matagal nang ginagamit bilang energy enhancers at bilang proteksyon.
Depende sa feng shui properties ng crystals, maaaring magamit ang mga ito sa iba’t ibang layunin – mula sa paghikayat at pagpananatili ng love, hanggang sa pagpapatindi nang malakas na spritual connection.
Kung pipili ng pendant na may rose quartz halimbawa, mainam kung ito ay isusuot malapit sa inyong puso, dahil ang rose quartz ay powerful feng shui heart healer.
Mula sa mystic moonstone silver ring para mapakalma ang inyong emosyons, hanggang sa hematite bracelet bilang good health enchancer and protector, marami pang iba’t ibang uri ng jewelry para sa feng shui purposes.
Lady Choi