Matapos siyang kantahan ng birthday song at mahipan ang kandila sa kanyang cake, sa pamamagitan ng interpreter ay sinabi ni Cocoro na sobrang overwhelmed daw siya sa ginanap na party para sa kanya at iyon daw ay isa sa hindi niya malilimutang gabi.
Sinabi rin ni Cocoro na gusto niya talagang magtayo ng negosyo sa bansa para makatulong sa mga Filipino na laging mabuti ang pakikitungo sa kanya. Sina Cocoro at Jackie Dayo-ha ay magsasanib-puwersa sa ilang proyektong kaabang-abang.
Naghandog ng mga awitin para kay Cocoro at mga bisita ang singers na sina Duncan Ramos, ang alaga ni Ms. Jackie na si Mojak, ang The Glitters, ang Biggest Loser winner na si Bryan Castillo, at iba pa. Si Mayette Castillo naman ang naging punong abala sa naturang selebrasyon.