Tuesday , December 24 2024

CCW bumuo ng audit team sa P700-M Albay Fund

BUMUO ng audit team ang isang grupo laban sa krimen upang suriin ang P700-mily0n pondong nakalaan sa scholarship program ng Albay.

Ayon sa Citizens Crime Watch (CCW) kailangan malaman ng taong bayan ang kabuuan ng halagang nagasta mula sa malaking pondo at kung tama nga ang pinuntahan nito.

Kinuwestyon ni CCW Bicol chairman Diego Magpantay ang paggamit ng pondo ng mga opisyales ng probinsya matapos makatanggap ng balitang hindi ganap na nakinabang ang mga mamamayan sa scholarship program ng Albay Higher Education Contributing System (AHECS).

Sinabi ni CCW Secretary General Carlo Magno Batalla, ang audit team ay pangungunahan ni dating Albay Regional Trial Court Judge Amado Calderon at tatlo pang miyembro.

Si Atty. Pete “Bitay” Principe, pangulo ng Philippine Trial Lawyers Association, ang magsisilbing committee legal consultant.

“Nais namin imbestigahan ang AHECS scholarship program para malaman kung may nilabag na probisyon sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at agad mapigilan kung mayroon man,” ani Batalla.

Sinabi naman ni Albay Provincial Administrator Eriberto Lero Berses III na hindi niya tinututulan ang pag-audit sa AHECS dahil wala naman silang itinatago rito.

“Para sa good governance, transparency at public disclosure policy na itinataguyod ni Albay Gov. Joey Salceda, sangayon kami sa audit,” sabi ni Berses sa kanyang sulat kay CCW chairman Jose Malvar Villegas, Jr.

Nakahanda na rin magsampa ng kasong kuropsiyon ang CCW sa mga opisyales ng ilang ahensiya tulad ng Departments of ng Education, Public Works and Highways, and Social Welfare and Development, Philippine National railways, at local government units sa Bicol bilang bahagi ng kampanya ng grupo laban sa korupsyion, ayon kay Batalla.

Magkakaroon ang CCW ng anti-graft congress sa Hunyo 28 sa Naga City, dagdag niya.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *