WELL secured pala itong si Alwyn Uytingco sa status niya sa TV5 dahil bidang-bida siya sa Beki Boxer na ang role niya ay malambot, beki nga. Pero ‘wag ka, dahil napakagaling niyang magbakla-baklaan.
Minsan nga napagkakamalan pa siya pero sure siya na hindi siya bakla in real life. Kaya naman dahil sa galing niya sa acting, nasa isang segment siya ng Paminta 101. Mayroon pa rin siya every Saturday night, ang Tropa mo ako Unli.
Very professional kasi siya kaya agad-agad siyang naiisip kapag nagka-casting sa isang show sa network, ‘yun ang bentahe. Sabi nga hindi siya reklamador nang tanungin namin ang young actor na paborito ng TV5 dahil sa mga project na sunod-sunod.
Hindi raw siya magaling na aktor at lalong hindi sipsip, talaga lang na suwerte raw siya dahil naka-tiyempo siya. At saka siguro raw ay ukol sa kanya ang mga role na ibinibigay like ‘yun nga for example, ang pagiging isang beki dahil napatunayan niya ito nang gumanap siya bilang anak ni Ai Ai Delas Alas isang pelikula noon.