Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Actress/TV host, nakakawalang-gana ang pasaway na ugali

031514 blind item
ni Roldan Castro

NAKASABAY namin ang isang actress-TV host sa isang plane mula Singapore hanggang Manila, connecting flight namin galing Europe. Hindi namin namukhaan kahit katabi na namin sa upuan. Tatlong beses na namin ito nainterbyu sa mga intimate presscon pero hindi talaga nagmamarka ang mukha niya sa amin.

Na-realize na lang namin na siya pala ‘yung actress nang may magpa-picture sa kanya habang kini-claim ang mga baggage.

Pero may kaartehan pala ang actress –TV host na ito sa plane. Sa totoo lang, naiinis kami sa kanya habang katabi naming siya. Itinataas pa niya ang mga paa niya habang nakaupo siya malapit sa window.

Bago pa lumipad ang eroplano ay sinaway na siya dahil bukas ang Ipad niya at naka-ear phone, parang imbiyerna pa siya.

Pasaway din siya kasi kahit bawal na buksan ang mga gadget habang nagla-landing binuksan pa rin niya ang Ipad. Sinabihan na nga siya ng stewardess na isara iyon.

Sinaway din ang bag niya na instead sa ilalim ng harapang upuan  niya ilagay ay sa ilalim mismo ng upuan niya inilagay.

Napansin din namin na hindi niya inubos ang pagkain niya sa plane. Sabi namin nagda-diet siguro ito. Ibinibigay na niya ang tray pero sabi  ng stewardess, sabay-sabay nilang kinukuha ‘yun lalo’t oras pa lang ng pagdi-distribute ng pagkain. Sabi ko, parang papansin ang actress na ito.

Humingi siya ng apple pero hindi siya napagbigyan ng stewardess dahil wala silang stock at sa pangmahabang oras na biyahe lang sila mayroon niyon.

Artista nga siya pero hindi siya umaasta ng tama, huh!

Gusto namin siyang ipagDASAl na umayos siya dahil nabulaga talaga kami sa attitude niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …