Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Abogado utas sa desperadong hostage-taker (PNoy, Obama hiniling makausap bago nag-suicide)

062514_FRONT 062514 hostage taking san juan
HANDA nang lusubin ng mga tauhan ng San Juan City SWAT team ang security guard na ini-hostage ang isang abogado sa loob ng isang gusali sa N. Domingo St., Brgy. Balumbato, San Juan City, nang makarinig ng putok ng baril ngunit naabutan nilang nakahandusay na ang biktima makaraan paputukan ng suspek na nagbaril din sa sarili. (ALEX MENDOZA)
NAGLUPASAY si Jojie Aton nang hindi makombinsing sumuko ang kanyang kapatid na gwardiyang si Charliemaign Aton na ini-hostage si Atty. Solomon Condonueveo sa N. Domingo St., Brgy. Balong Bato, San Juan City. Pinatay ng gwardiya ang abogado at pagkaraan ay nagbaril din sa sarili. (ALEX MENDOZA)

PATAY ang isang abogado makaraan barilin sa ulo ng isang security guard na binaril din ang kanyang sarili sa naganap na 10-oras hostage drama sa San Juan City kamakalawa ng gabi at natapos kahapon ng umaga.

Kinilala ni San Juan City police chief, Sr. Supt. Joselito Daniels ang biktimang si Atty. Solomon Condonuevo, 67, habang ang suspek ay isang Charlemaign Aton, security guard, tubong Dipolog City.

Sa ulat, nagsimula ang insidente dakong 10 a.m. sa N. Domingo St., Brgy. Balumbato, San Juan City.

Nabatid na nagtalo ang abogado at ang gwardiya kaugnay sa nawawalang susi ng sasakyan hanggang magalit ang suspek at ini-hostage si Condonuevo gamit ang kalibre .38 baril.

Tumagal ng sampung oras ang negosasyon kabilang ang paghiling ng sekyu na makausap si Pangulong Benigno Aquino III at si US President Barack Obama, at ang makauwi sa kanilang lalawigan para makausap ang kanyang kasintahan.

Sa kasagsagan ng negosasyon, binaril ng suspek ang abogado at pagkaraan ay nagbaril din sa kanyang sarili.

Nagawa pang isugod sa San Juan Medical Center ang abogado na sinikap sagipin ng mga doktor ang buhay ngunit nalagutan ng hininga dakong 8 a.m.

Napag-alaman, ilang araw nang magulo ang isip ng suspek dahil sa paghihiwalay nila ng kasintahan na nasa kanilang lalawigan. Problemado rin siya sa nalalapit na pagtatapos ng kanyang kontrata sa kanilang security agency.

nina MIKKO BAYLON/ED MORENO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …