Tuesday , November 5 2024

74-anyos Binondo restaurant nasunog

KABILANG ang 74-anyos Binondo restaurant sa natupok sa naganap na sunog sa residential-commercial area kahapon ng umaga sa Ongpin St., Binondo, Maynila.

Ayon sa ulat ng Manila Fire Bureau, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng isang residential bldg. dakong 9:31 a.m. sa Ongpin corner Mañosa Streets.

Bunsod nito, natupok din ang nakapaligid na commercial establishments sa lugar kabilang ang klasikong Ongpin Mañosa restaurant.

Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog na idineklarang fire out dakong alas 10:41 a.m.

Tinatayang mahigit sa P2 milyon ang halaga ng napinsalang mga ari-arian.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, electrical faulty wiring ang hinihinalang sanhi ng sunog.

Walang naiulat na nasugatan o namatay sa naganap na sunog.

(LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Hindi bababa sa 87 farmer trainees kamakailan ang nakatapos ng 14-week training program ng SM …

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *