Thursday , April 3 2025

2 warehouse ng tsinelas naabo sa Valenzuela

062514 fire valenzuela

SINISIKAP apulain ng mga bombero ang apoy sa nasunog na dalawang warehouse ng tsinelas ng Adriatic Manufacturing sa Industrial Road, Brgy. Karuhatan, Valenzuela City. (RIC ROLDAN)

NAABO ang mahigit sa P5 milyon halaga ng mga produkto at ari-arian makaraan tupukin ng apoy ang dalawang  warehouse ng tsinelas kahapon ng umaga sa Valenzuela City. Dakong 7:02 a.m. nang magsimulang lamunin ng apoy ang Adriatic Manufacturing na pag-aari ni James Chu, sa panulukan ng Industrial Road, Brgy. Karuhatan ng nasabing lungsod, at pag-aari ng isang James Chu.

Sa ulat ng Valenzuela City Bureau of Fire Protection (BFP), dakong 7:08 a.m. agad nilang itinaas ang alarma sa Task Force Alpha at napigilan ang pagkalat ng apoy sa karatig na lugar dahil napalilibutan ang warehouse ng mataas na pader. (ROMMEL SALES)

About hataw tabloid

Check Also

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

SUMIKLAB ang galit ng mga lokal na residente kaugnay sa viral video ng isang backhoe …

Duterte ICC

Para sa pagsusulong ng Crime Against Humanity
1 KASO NG MURDER SWAK PARA LITISIN SI DUTERTE – ICC

HATAW News Team ISANG kaso lang ng pagpatay ay sapat na para lumarga ang Crime …

Myanmar

PH humanitarian team ipinadala sa Myanmar

BUMIYAHE na ang Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PHIAC) upang tumulong sa search, rescue, at retrieval …

COMELEC Vote Election

34 reklamo ng vote buying, vote selling inireklamo

INIULAT ng Commision on Elections (Comelec) na umabot sa 34 kaso ang mga iniulat sa …

Lisensya ng SUV at motorcycle drivers sa Antipolo road race, sinuspinde ng LTO

Lisensya ng SUV at motorcycle drivers sa Antipolo road race, sinuspinde ng LTO

PINATAWAN ng 90-araw suspensiyon ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensiya sa pagmamaneho ng SUV …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *