HINIHINTAY ng liderato ng Senado ang magiging kapasyahan ng Sandiganbayan sa pagsuspinde kina Senators Bong Revilla, Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada na may kinakaharap na kasong plunder at graft.
Nilinaw ni Senate President Frank Drilon, awtomatiko ang pagsuspinde sa isang opisyal o empleyado ng gobyerno na may kinakaharap na kasong plunder at graft. Ito ay nakabatay sa dating ruling ng Supreme Court.
Ayon kay Drilon, kapag naghain na ng petisyon ang Ombudsman sa Sandiganbayan sa pagsusinde sa public officials ay walang magagawa ang korte kundi ipatupad agad ito.
Si Revilla ay kasalukuyang nakakulong sa PNP Custodial Center habang sumuko kahapon si Estrada.
“Sa kaso nina Senators Revilla, Estrada at Enrile, pag nai-file ang petition ng Ombudsman, ang Sandiganbayan automatic po ang suspension ng tatlong senador at amin pong ipatutupad ang order ng Sandiganbayan,” ani Drilon. (CYNTHIA MARTIN/NINO ACLAN)