Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sobrang PDA ni Zsa Zsa, inuulan ng batikos

 
ni Nene Riego

IKINATUWA ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla na marami ang sang-ayon sa pakikipagrelasyon niya kay Conrad Onglao at sa mga tila walang tigil sa pagbatikos sa kanya’y ito ang mataray niyang sabi, ”’Di ko kailangang magtanggol sa sarili ko sa mga gusto kong gawin.  Karapatan ko ang pumili ng bagong mamahalin. Kundi ako nahihiyang amining kami na ni Conrad, kasi’y proud ako na tulad niya ang natagpuan ko. He is the one. I feel blessed na siya ang nagpapaligaya sa ’kin ngayon.”

Sa punang sobra ang PDA (pubic display of affection) niya sa social media, natawa lang siya.”Ganoon talaga ang ugali ko… kung may dapat i-post na masasayang sandali o pictures na palagay ko’y maganda, no one can stop me. Prerogative ko ‘yon.”

‘Di rin totoo na iniwan siya at nagsarili na ang dalawang dalaga niyang sina Nicole Beatrice at Zia Marie. Tulad ng kanilang Ate Karylle, ‘di sila nakikialam sa desisyon ng ina. Hangad daw ng Tres Marias ni Zsa ang kanyang kaligayahan.

O, may aangal pa ba? Sabi nga, ang pahayag ay, direct from the horse’s mouth.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …