Tuesday , August 12 2025

RoS, Alaska unahan sa 2-1

UNAHAN sa 2-1 ang pakay ng Rain Or Shine at Alaska Milk na muling magkikita sa Game Three ng PLDT Home Telpad PBA Governors Cup best-of-five semifinal round mamayang 8 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Tinalo ng Elasto Painters ang Aces, 99-87 sa Game Two noong Linggo sa kabila ng pagkawala ni Gabe Norwood upang maitabla ang serye, 1-all. Ang Aces ay nanaig sa Game One.

Matapos na makalamang ang Alaska Milk, 21-17 sa first quarter ay dinomina na ng Rain Or Shine ang laro. Nakaabante ang Elasto Painters, 50-38 sa halftime bago nagposte ng 26-puntos na kalamangan, 71-45, 6:11 ang nalalabi sa third quarter.

“Everyboy just stepped up for Gabe. We’re buying some time to make him well,” ani Rain Or Shine coach Joseller “Yeng” Guiao.

Si Norwood ay natapilok sa dulo ng Game One. Ayon sa therapist ng Rain Or Shine ay Grade Two sprain ang sinapit ni Norwood sa kanyang kanang paa at baka abutin ng sampu hanggang 14 araw bago tuluyang gumaling. Subalit umaasa si Guiao na makakabalik agad ito.

Si Arizona Reid ay nagtala ng 27 puntos para sa Rain Or Shine. Nag-ambag ng 21 si Paul Lee, 18 si Jeff Chan at 10 si Chris Tiu.

“Everybody made their contributions. We just wanted it more than them (Alaska). Hopefully, we can keep that desire,” dagdag ni Guiao.

Tumindi din ang depensa ng Elasto Painters partikular na nina Jireh Ibanez at Beau Belga kay Alaska Milk import Henry Walker. Napikon pa nga si Walker at natawagan ng flagrant foul Penalty One sa umpisa ng third quarter matapos na sugurin sa likuran si Belga.

“I felt that the referees were lenient on Walker because that should have been an ejection foul instead. That wan’t part of play,” ani Guiao.

Ayon kay Alaska Milk coach Alex Compton ay kailangang hindi indahin ng Aces ang pisikalidad dahil bahagi iyon ng laro. “We just have to find a way to get back at Rain or Shine and get the initiative back.”

Nagpakitang-gilas para sa Alaska Milk si Vic Manuel na siyang nanumo sa Aces nang gumawa siya ng 22 puntos. Nagtala rin siya ng 14 sa Game One.

Ang ibang inaasahan ni Compton ay sina Joaquim Thoss, Calvin Abueva, Gabby Espinas, Cyrus Baguio at JVee Casio. (SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Manila Marathon Rio Dela Cruz Andrew Neri

Manila Marathon, aarangkada sa Linggo

MALUGOD na inihayag ni international marathoner Rio Dela Cruz president at CEO ng Run Rio …

Antonia Lucia Raffaele Zoe Lim Philippine Artistic Swimming Team

Sa Hong Kong Open
Philippine Artistic Swimming Team, nakasungkit ng 3 bronze medals

PATULOY ang pag-igting ng koponan ng artistic swimming ng Filipinas sa pandaigdigang entablado, matapos nilang …

Carlo Biado PSC

CARLO BIADO PINARANGALAN NG PSC MATAPOS ANG IKALAWANG KAMPEONATO SA WORLD 9-BALL
PSC maghahandog ng billiard set sa pangalan ng Filipino champ bilang pamana sa susunod na henerasyon

PASIG CITY — Kinilala ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pambihirang tagumpay ni Carlo Biado, …

Agatha Wong The World Games 2025

Agatha Wong ng Wushu flag bearer sa The World Games 2025

NAPILING isa sa mga flag bearers ang Filipina wushu gold medalist na si Agatha Chrystenzen …

Padel Pilipinas

Ulat ng mga nagawa ng Padel Pilipinas

SA NAGANAP na General Assembly ng Philippine Olympic Committee (POC) kahapon, buong pagmamalaking inilahad ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *