Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Panday’ nasindak sa daga

BUKOD sa matinding init sa loob ng selda, inireklamo rin ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. ang nagkalat na mga ipis at daga na aniya’y sinlaki ng pusa.

Si Revilla ay nakapiit sa PNP Custodial Center makaraan sumuko nitong Biyernes sa Sandiganbayan bunsod ng kasong graft at plunder kaugnay P10-billion pork barrel scam.

Kaugnay nito, hiniling ng pamilya Revilla na pahintulutan silang dalawin ang senador araw-araw.

Sa kasalukuyan, ang mga Revilla ay pinapayagan lamang dumalaw tuwing Huwebes at Linggo dakong 9 a.m. hanggang 3 p.m.

Nitong Linggo, nagdala ang pamilya Revilla ng pagkain at bible sa selda ng senador.

Marami rin mga kaibigan ni Revilla ang dumalaw, gayon din ang ama ng senador na si dating Senador Ramon Revilla, Sr.

LUXURY CELL OK SA CHR

WALANG nakitang mali si Commission on Human Rights (CHR) Chairperson Loretta Ann “Etta” Rosales sa treatment ng pagkulong kay Sen. Bong Revilla, Jr., sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Sinabi ni Rosales, nasunod ang tamang proseso ng pag-aresto at pagkulong sa senador.

Aniya, kung maayos ang detention facility ni Sen. Revilla ay nararapat ito dahil dapat mabigyan ng disenteng kulungan ang mga bilanggo sa bansa.

Binigyang-diin lamang ng CHR chief na kung nabigyan nang maayos na detention cell si Revilla at ang iba pang senador na susunod na makukulong dapat lahat ng bilanggo ay nasa maayos na detention cell din.

Sinabi ni Rosales, dapat nang baguhin ang pag-iisip na may special treatment na ibinibigay kung nasa magandang facility ang isang bilanggo, dahil ito ang nararapat para sa kanila upang hindi malabag ang kanilang karapatang pantao.

Kaugnay nito, hinikayat ni Rosales ang pamahalaan na ayusin at bigyan ng disenteng detention facilities ang lahat ng bilanggo sa buong bansa at tinutulan ang panukalang gumawa ng hiwalay na kulungan para sa mga akusado sa high profile cases.

hataw News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …