Tuesday , December 24 2024

Misis tinaga ni mister sa bingohan (Nagising na wala sa tabi)

PINAGTATAGA ng isang lalaki ang kanyang misis habang naglalaro ng binggo nang magising na wala sa kanyang tabi ang biktima sa Port Area, Maynila kamakalawa ng hapon.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang biktimang si Monica Bañez, 56, gayon man agad naaresto ang suspek na si Arsenio Bañez, 56, kapwa ng Area 7, Gawad Kalinga Village, Baseco Compound, Port Area.

Hindi maipaliwanag ng suspek kung ano ang nangyari basta ang naalala niya ay nagising siyang wala sa kanyang tabi ang kanyang misis.

Sa imbestigasyon, dakong 5 p.m. kamakalawa habang naglalaro ng binggo ang biktima nang biglang dumating ang suspek na armado ng junggle bolo at bigla na lamang pinagtataga ang kanyang misis.

Bunsod nito ay nagtakbuhan sa matinding takot ang mga taong kalaro ng biktima.

“Nakainom ng alak ‘yung biktima, Redhorse at Emperador ang ininom niya, naalimpungatan siya, hindi pa natin malaman kung sinaniban siya ng masamang espiritu o hindi,” Ayon kay Chief Insp. Steve Casimiro.

Nakatakdang sampahan ang suspek ng kasong parricide.

(LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *