Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-utol, pinsan nalunod sa ilog

NAGA CITY – Nauwi sa trahedya ang sana’y masayang pagkikitakita ng magkakapamilya sa Tinambac, Camarines Sur.

Ito’y makaraan malunod sa Himoragat River ang magkapatid na sina Abegail Alillano, 18, at Alvin Alillano, 10, at ang kanilang pinsan na si Jaslyn Alillano, 20.

Ayon kay PO3 Rizalino Pante, nabatid na galing sa bayan ng Goa ang mga biktima kasama ang kanilang iba pang kapamilya at nagtungo sa lugar para bisitahin ang kanilang tiyuhin.

Pansamantalang iniwan ng mga nakatatanda sa pamilya ang tatlo upang bumili ng pagkain nang magkayayaan silang maligo sa ilog.

Dahil hindi pamilyar sa lugar, nakarating sa malalim na bahagi ng ilog ang mga biktima hanggang tangayin ng malakas na agos ng tubig.

Nang maiahon, isinugod sa pagamutan ang mga biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Napag-alaman na hindi marunong lumangoy ang mga biktima. (BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …