IBINASURA na ng mga paaralan sa Vancouver ang mga salitang ‘he’ at ‘she’ at kasalukuyan nang ginagamit ang bagong gender neutral word na ‘xe’.
Inaprubahan ng Canadian city’s school board ang bagong polisiya na nagpapahintulot na tukuyin ang mga mag-aaral bilang ‘xe’, ‘xem’ at ‘xyr’ imbes na ‘he/she’, ‘him/her’, at ‘his/hers’.
Maaari na ring pumili ang mga batang mag-aaral kung anong toilet facilities ang kanilang gagamitin, kabilang ang mandatory unisex option.
“We’re standing up for kids and making our schools safer and more inclusive,” Pahayag ni board member Mike Lombardi sa Vancouver Sun.
Sa kabilang dako, iginiit ng mga magulang na kumukuwestiyon sa pagbabago, na hindi pa nauunawaan ng mga 6-anyos ang identity issues.
Anila, nahihirapan pa silang gumamit ng toilet, lalo na ang pagdedesisyon kung alin ang gagamitin.
Gayunman, ang bagong polisiya ay pumasa makaraan lamang ang maiksing debate sa magulong public meeting na binantayan ng mga pulis.
Inireklamo ng isang galit na magulang na si Cheryl Chang, hindi pinakinggan sa nasabing debate ang mga magulang, psychologists at medical experts.
“This is not meaningful conversation. This is politics of division, it’s getting people upset and angry,” aniya. (ORANGE QUIRKY NEWS)