Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Feng shui design sa main entry rug

PAANO pipili ng best main entry rug colors, shapes at overall design?

Ang main entry ay napakahalaga sa feng shui dahil sa pamamagitan nito pumapasok sa bahay ang Chi, o ang universal energy, para sa sustansya nito. Kung gaano kaganda ang kalidad ng Chi na papasok sa bahay, ganoon din kaganda ang kalidad ng enerhiya na susuporta sa iyo at sa iyong pamilya.

Mula sa pagpili ng best feng shui colors para sa inyong front door patungo sa tamang posisyon ng fountain; mula sa pagtugon sa feng shui ng staircase na nakaharap sa main door hanggang sa pagpili ng best shape and design sa main entry rug – ang bawat detalye ay mahalaga sa feng shui.

Suriin natin ang main fengs hui design aspects.

*Shape. Sa alin mang feng shui home o office application, palaging gabayan ang sarili ng inyong pakiramdam, gayundin ng basic interior design principle. Anong hugis ba ang nababagay sa inyong bahay?

Una munang ikonsidera kung anong hugis ang mainam pagmasdan sa inyong lugar. Pangalawa, alamin ang feng shui direction ng front door at saka pumili ng hugis na nababagay para sa feng shui element ng direksyon na ito.

*Colors. Pumili ng best colors para sa inyong main entry rug na naaayon sa enerhiya ng feng shui elements. Halimbawa, sa East facing main door, maaaring pumili sa tatlong feng shui elements: Earth, Wood at water elements.Ang mga kulay na dapat iwasan ay Metal at Fire element colors. Ideyal na huwag pipili ng white, gray o red rug malapit sa East facing main door.

*Design. Mahalagang ikonsidera sa pagpili ng ano mang floor rug, na ito ay araw-araw ninyong tatapakan. Tandaan na huwag gagawa ng feng shui mistake na madalas mangyari sa small businessess: na inilalagay ang business name sa floor mat at magtataka kung bakit low quality energy ang nahihikayat ng negosyo. Paano makahihikayat ng good quality energy kung ang lahat ay literal na tumatapak sa inyong business name araw-araw.

Kaya pumili ng disenyo na tugmang tapakan. Huwag oorder ng disenyo na may mga anghel at mga ibon dahil ang pagtapak sa mga anghel at mga ibon ay hindi magandang ideya.

Lady Choi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …