Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Diary ng Pogi (Just Call me Lucky 2) (Part 11)

NAKA-JACKPOT NG MAGANDANG CHIKA BABE ANG BIDA

Mula Baclaran ay pang-labingtatlo ang Tayuman Station. Tiyak na magiging kainip-inip sa akin ang biyahe. Nilibang ko ang aking sarili sa mga tanawin sa labas ng bintana ng tren. Pero sa EDSA Station pa lang ay nagsi-mula nang maglumikot ang mga mata ko sa paglinga-linga. Puro seksi at byuting chikababes ang pinuntirya ko. Pung! Ang dami nila. Kaso, biglang nagpreno ang tren. Napatili ang mga nagulantang. ‘Di iilan ang napamura. May isang mali-maling babae ang ka-censor-censor ang ekpresyon ng dalahirang dila. At nabitiwan ko naman ang hawak kong cellphone. Awtomatikong nanghabol ng salo ang mga kamay ko. Pero lumanding ito sa kandungan ng pasahe-rong nakaupo sa tapat ko. Pero hindi CP ang nadakma ko kundi ang malalambot na hita ng isang chikababes.

“Sorry, Miss…” ang mabilis kong nasambit sa paghingi ng paumanhin.

“Okey lang,” tango sa akin ng chikababes sabay sa pagpapakita ng kanyang mapupu-ting ngipin.

Sa pagkakatayo ko sa tapat mismo ng isang kaakit-akit na kagandahan ay nagmistulang camera ang aking mga matang napa-close-up shot sa kanyang mapipintog na boobs. Na tila nangangako sa sinumang lalaking makaaangkin ng isang libo’t isang kaligayahan. Napalunok tuloy ako ng laway nang ‘di oras.”Wow-wow-wow!” ang paanas kong naibulalas.

Sa pag-aabot niya sa aking CP ay napagmasdan kong maputi ang kanyang mukha. May taglay siyang pambihirang ganda. Malaking banta siya sa kahinaan ng mga kalahi ni Haring Solomon. Maputi at flawless ang kanyang ku-tis. At humahalimuyak siya sa bangong kaaya-aya. Iyon ang nagtulak sa akin para magpakapal ng mukha. Nang mabakante ang upuan sa tabi niya sa pagtayo ng isang pasaherong umibis sa Vito Cruz ay inagapan kong makaupo roon. Hindi ako “nag-boyscout” sa mga nakatayong kababaihan, kahit pa sa mga mukhang lola na. Dedma-to-death ko silang lahat!

“Thank you, ha?” ang opening dialogue ko sa chikababes na pinangalanan ko sa isip na “Ms. Beautiful Girl.”

Matamis na ngiti ang tugon niya.

Sinundan ko ‘yun ng pasakalye: “Fort (hindi Fortunato o Atoy ang pakilala ko) ang name ko… Ikaw?”

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Bukod sa wastong pagkain
KRYSTALL HERBAL OIL AT KRYSTALL NATURE HERBS NAKATUTULONG SA BALANSENG INIT AT LAMIG SA KATAWAN

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Magandang araw …

Krystall Herbal Oil 500ml FGO

YES!
FGO Krystall Herbal Oil 500 ml promo extended hanggang Chinese New Year

MAGANDANG ARAW po sa mga suki at solid users ng Krystall Herbal Oil. Gaya ng …