PATAY ang 4-anyos batang lalaki nang aksidenteng mainom ang silver cleaning solution na nakalagay sa plastic bottle nitong Sabado ng umaga.
Kinilala ng Pasay City Police ang biktimang si Rheven Mendoza, ng Santiago St., Pasay City, idineklarang dead on arrival sa San Juan De Dios Hospital.
Ayon kay SPO3 Allan Valdez , naganap ang insidente dakong 7:11 a.m. nitong Sabado sa loob ng kanilang sari-sari store sa nabanggit na lugar.
Natagpuan na lamang na walang malay ang bata sa loob ng tindahan kaya isinugod sa ospital ngunit hindi na umabot nang buhay.
Ayon sa mga doktor, namatay ang bata dahil sa cyanide ingestion kaya pinaniniwalaang naka-inom ang biktima ng silver cleaning solution.
(JAJA GARCIA)