Saturday , November 23 2024

Pugante tiklo sa baril

ISANG pugante mula sa Leyte ang naaresto ng pulisya nang mahulihan ng baril habang nakikipagkuwentuhan sa isang barangay sa Valenzuela City, iniulat kahapon.

Kinilala ni Valenzuela City Chief of Police Sr. Supt. Rhoderick Armamento, ang suspek na si Reynald Homerez, 33, isang pintor at pansamantalang nakatira sa Area 4, Sitio Pinalagad, Barangay Malinta, Valenzuela City.

Napag-alaman, isinumbong ng isa sa kanyang kakuwentuhan ang suspek na may nakasukbit na baril sa baywang kaya sa pagresponde ng mga pulis ay inaresto ang suspek.

Nakuha sa suspek ang isang pen gun na walang papeles.

Nang siyasatin ang rekord ni Homerez, nadiskbbre na takas pala siya mula sa Leyte Municipal Jail na mahigit dalawang taon na ang nakararaan dahil sa kasong illegal possession of firearm.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *