Tuesday , December 24 2024

Provodnikov suki ng kontrobersiya

PINAG-UUSAPAN pa rin sa sirkulo ng boksing ang pagkatalo ni Ruslan Provodnikov kay Chris Algieri nito lang nakaraang Linggo.

Ayon sa nakararaming kritiko at eksperto sa boksing—hindi dapat nanalo si Algieri via split decision kay Provodnikov.

Bukod kasi sa bumagsak ng dalawang beses sa 1st round si Algieri, mas malilinaw daw at solido ang ibinibigay ni Provodnikov na suntok kumpara sa puro jabs at malalabong power punch ni Algieri.

Siyempre pa, unang pimiyok ang trainer ni Provodnikov na si Freddie Roach.   Malinaw daw ang panalo ng kanyang alaga at para bang sinasabi niyang malabo lang ang  mata ng mga tumayong hurado.

oOo

Medyo gumulo ang daigdig ni Provodnikov pagkatapos ng sinasabing kontrobersiyal na pagkatalo kay Algieri.

Aba’y imbes na pursigehin niya na magkaroon sila ng rematch ay iba ang nasa utak niya.

Mas gusto niyang labanan si Timothy Bradley na tumalo rin sa kanya sa isa ring matatawag na kontro-bersiyal.

Kung natatandaan ninyo, sa naging laban niya kay Bradley ay pinabagsak nito  sa laban at ilang beses niyang niyanig ng matitinding suntok ang Kanong boksingero  pero sa bandang huli, talo pa rin siya sa desisyon.

Ikanga, mas gigil siya kay Bradley.  Nagkataon kasi na imbes na bigyan siya nito ng rematch at hinarap nito si Manny Pacquaio na natalo naman siya via unanimous decision.

Bagama’t may rematch clause ang naging laban ni Provodnikov kay Algieri, mas preperable niyang labanan si Bradley.  Katwiran ni Ruslan, walang kuwentang kalaban si Algieri na ang tanging misyon sa bakbakan ay para lang maka-survive.

Mas gusto raw niyang labanan ang mga tunay na warrior tulad nina Pacman, Juan Manuel Marquez, Marcos Maidana at iba.   Hindi niya binanggit ang pangalan ni Floyd Mayweather Jr.

He-he-he.   Nangangahulugan ba iyon na hindi tunay na warrior ang tingin ni Provodnikov kay Floyd?

oOo

Nang tanungin si Freddie Roach kung sino na ang susunod na makakalaban ni Miguel Cotto, preperable niya  na makaharap ni Cotto, bagong kampeon ng middleweight, si Canelo Alvarez.  Kaya lang may kakaharapin pa itong laban kay Lara.

Kung mananalo si Alvarez, posibleng ikasa ang nasabing laban.

Nang matanong naman siya tungkol sa susunod na laban ni Pacquiao,  nasa ideya niya ang laban kontra kay Amir Khan.  Pero kung hindi raw solb si Bob Arum ng Top Rank, puwede raw si Danny Garcia.

Si Danny ay kapatid ng pamosong trainer na si Robert Garcia.

Alex L. Cruz

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *