LUMITAW sa state television ang singer na napabalitang girlfriend ni North Korean leader Kim Jong-Un na sinasabing pina-execute nitong nakaraang taon.
Pinakita ng state TV ng Pyongyang si Hyon Song-Wol, ang lider ng bandang Moranbong, na nagtalumpati sa national art workers rally sa Pyongyang.
Nagpaalamat siya sa mahusay umanong pamumuno ni Kim at sumum-pang magtatrabaho pa ng mabuti para “mapainit ang ningas para sa sining at creative work.”
Ang paglitaw ni Hyon ay naganap makalipas ang ilang buwan at mga spekulasyon ukol sa kanyang tuna na kalagayan.
Noong Setyembre ng nakaraang taon, napaulat sa Asahi Shimbun sa Japan at sa South Korean media din na si Hyon at ang mga miyembro ng Unhasu Orchestra at iba pang mga state musician ay pinatay sa pamamagitan ng firing squad dahil sa pagkuha ng video sa kanilang mga sarili habang nakikipag-sex.
Lalo pang naging kapani-paniwala ang ulat nang magkomento ang spy chief ng South Korea na si Nam Jae-Joon na “aare” umano siya sa mga report ukol sa sinasabing execution.
“We are aware of the execution of some 10 people associated with the Unhasu Orchestra,” binanggit ng dalawang mambabatas na sinabi ni Nam sa closed door parliamentary session, ayon sa Yonhap news agency.
Sinabi naman ng Asahi na ang pambihirang pagpatay ng mga state performer ay pinag-utos upang mapigilan ang pagkalat ng tsismis ukol sa ‘decadent lifestyle’ ni North Korean first lady Ri Sol-Ju noong siya’y isa pa lang na entertainer.
Itinanggi naman ito ng North Korea.
Ayon sa state news agency KCNA ng NoKor, ang mga nabanggit na report a gawa ng mga ‘psychopath’ at ‘confrontation maniac’ sa pamahalaang South Korean at media.
“Walang kapatawaran ito, isang ka-kilakilabot na provocation na nakasakit sa dignidad ng supreme leadership,” wika ng KCNA commentary.
Kinalap ni Tracy Cabrera