Tuesday , November 5 2024

No price hike sa bigas, bawang, baboy – Palasyo

TINIYAK ng Malacañang na base sa pahayag ng industry players, walang magaganap na pagtaas sa presyo ng bigas, bawang, karne ng baboy at iba pang pangunahing bilihin.

Binigyang-diin ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., hindi pahihintulutan ng gobyerno ang mga mapagsamantala na magpapataas nang sobra sa iba’t ibang mga bilihin.

Ayon kay Coloma, nagpulong kamakailan ang National Price Coordinating Council para magbuo ng mga solusyon upang matulungan ang Filipino consumers na naapektuhan ng naganap na nakaraang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Inimbita sa nasabing pulong ang mga negosyante, hog and poultry raisers at iba pang stakeholders.

Sa isyu ng bigas, tiniyak niyang sanap ang NFA rice na magpapatigil sa pagtaas ng presyo ng bigas.

Ang NFA rice ay nagkakahalaga ng P27 per kilo, habang ang

well-milled variant ay nasa P32 per kilo, aniya.

Habang ang commercial rice ay nagkakahalagang P40 per kilo ang mababang klase, habang ang well-milled kind ay nasa P45 hanggang P50 per kilo.

“We are advising the public that they will implement the full force of the law on those who divert, hoard, and overprice government or NFA rice. ‘Yan po ang kanilang pahayag. Ayon pa rin sa NFA, ang kasalukuyang supply ng NFA rice ay umaabot na sa humigit-kumulang 2.4 na milyong metrikong tonelada, at ito ay sapat para sa susunod na 72 araw o hanggang sa unang linggo ng Setyembre na kung kailan inaasahan ang resulta ng unang pag-ani o harvest season,” pahayag ni Coloma.

(ROSE

NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *