Tuesday , November 5 2024

Mandato ‘agimat’ ng Palasyo kontra Nora Aunor (Paliwanag ni Coloma)

IDINEPENSA ng Malacañang ang desisyon ni Pangulong Benigno Aquino III na hindi isama si award-winning actress Nora Aunor sa listahan ng bagong National Artists.

Inihayag ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ang desisyon ni Aquino ay base sa kung sino ang higit na nagsilbi sa interes ng bansa.

Nang itanong kung ang dahilan ni Aquino ay politikal o may kaugnayan sa pagkakasangkot ni Aunor sa droga, sinabi niyang: “It’s the duty of the President to decide who is deserving to be honored as National Artist. In making his decision, he considered how each measured up [on the criterion involved].”

Itinatadhana ng batas na ang Pangulo ay may mandato sa pagpili ng kung sino ang kaparat-dapat na magsilbi sa national interest, at ipinunto na ang mantadong ito ay mula mismo sa mga Filipino.

Hindi isinama si Aunor sa listahan ng bagong National Artists, na inianunsyo nitong Biyernes.

Ang hakbang na ito ay malawakang binatikos sa social media, gayundin sa arts and culture community.

Kabilang sa idineklara bilang National Artists ay sina Alice Reyes (dance), Francisco Coching (visual arts, posthumous); Cirilo Bautista (literature); Francisco Feliciano (music); Ramon Santos (Music); at Jose Maria Zaragoza (architecture, design and allied arts, posthumous).

Habang isinisi ni National Commission on Culture and the Arts (NCCA) chairman Felipe de Leon Jr. sa “political influences and elements” ang pagkakatanggal ni Aunor sa listahan.

Sinabi ng NCCA, nagsusumite sa Malacañang ng listahan ng mga rekomendasyon, magsasagawa sila ng media conference ngayong araw upang matugunan ang isyu. (ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *