ni Peter Ledesma
Sa kanyang mini-presscon na ipinag-imbita ng reporter, na hindi namin maatim ang ang matinding kaplastikan sa katawan. Sinabi raw ni Jed Madela na nag-attempt siyang manligaw noon kay Rachelle Alejandro. Ito raw ‘yung time na hiwalay na si Rachelle kay Christian Bautista at talagang kinarir raw niya ang panliligaw sa gumaganap ngayong “Gigi” sa internationally acclaimed na stage play na Miss Saigon. Panay raw ang padala noon ni Jed ng chocolates at flowers kay Rachelle. At hanggang doon na lang ang kuwento ng biriterong singer at hindi na siya nagkuwento kung bakit hindi sinagot ni Rachelle ang panliligaw niya? Well kami na mismo ang magsasabi na baka may naamoy ang young Diva sa pag-katao ni Jed? lalo pa’t matagal ng kuwestiyonable ang gender nito. Sana tauhin naman ang concert na pino-promote nito kahit na patawa ang drama niya nanligaw nga siya ng girl. Kasi sa pagkakaalam ko ay ang nasabing artist rin ang laman ng blind item na may karelasyon umanong young actor na galing sa Bahay ni Kuya. Very comedian ang dating gyud!