ni Roldan Castro
NAGPALIT na pala ng manager ang actor na si JC Tiuseco. Mula kay Jonas Gaffud (ng Mercator Artist and Model Management) ay lumipat siya sa Luminary Talent Managementagency ni Popoy Caritativo.
Masaya naman siya at kuntento. Noong November pa raw siya lumipat. Kailangan daw niya ng bagong manager dahil ang focus ni Jonas ay sa mga beauty queen at model.
Welcome naman siya sa mga alaga ni Popoy na sina Dennis Trillo, Tom Rodriguez, Rafael Rosell.
“Pare-pareho kaming mahilig sa sports.Mahilig mag-surf, mahilig mag-bike, mahilig kami sa play station,” bulalas niya.
Nagbago na rin ang pananaw ni JC sa pagsusuot ng briefs o trunks sa isang project. Dati ay mabilis na hindi ang sagot niya pero ngayon ay depende sa projects. Kahit mag-endorse at magsuot ng briefs ay willing na siya.