Tuesday , December 24 2024

Injustice ang ‘di pagkakahirang kay Nora bilang National Artist

ni Alex Brosas

ANG daming nagwala sa social media dahil hindi na raw isa sa magagawaran ng National Artist award si Nora Aunor. Natanggal daw ang name niya sa list na ibinigay ng NCCA-CCP sa Malakanyang.

Hindi na kami na-surprise nang malaman namin ito. Ito naman kasing si P-Noy, feeling masyadong malinis. Ayaw daw nito na may bahid ng kontrobersiya ang paggawad niya ng National Artist award. Parang nadale si Ate Guy sa morality issue, as if naman lahat ng naging Pambansang Alagad ng Sining ay perpekto at walang bahid-dungis.

Ate Guy deserves to be honored as National Artist. She has accomplishments na hindi kailanman na-achieve ng sinumang artista kahit na mabuhay pa sila ng 100 taon.

Kung ayaw ibigay ng Malakanyang ang honor na ito para kay Ate Guy, eh, ‘di isaksak na lang nila sa baga nila ang award na ‘yan.

“Kahit ‘di ako noranian this cant be! she deserves to be a national artist dahil sa kontribusyon nya sa sining ng pag arte.”

“Baka pinatanggal ni Kris. Halatang Vilmanian kc. Lol”

“Hintayin pa ata nilang mamatay bago bigyan. Ano pa bang dapat patunayan ni La Aunor? Hindi lamang artista kundi nag-produced din ng mga makabuluhang pelikula. Kalowka.”

“Wag sabihing morality clause na naman ang issue against Nora Aunor.”

Ilan lamang ‘yan sa mga nabasa naming reactions sa social media.

Isang GREAT INJUSTICE kung hindi maibibigay kay Nora ang National Artist award this year. Kung hindi siya deserving, eh, wala na sigurong deserving bilang National Artist, ‘no!

ALEX, ‘DI KA-IMPRES-IMPRESS SA ADAPTATION NG ISANG KOREANOVELA

IPINALABAS na ang trailer ng bagong soap ni Alex Gonzaga, ang adaptation ng isang hit Koreanovela.

Napanood namin ang trailer and we were not impressed. Marami ang hindi nagandahan, marami ang hindi nagkagusto at ang dami palang  may ayaw kay Alex bilang main character. Hindi raw bagay sa kanya ang role at wala rin daw binatbat ang Pinoy adaptation sa original Korean soap.

“floop na ‘yan. wlang kwenta ang trailer haha.”

“sa totoo parang wala lang hehehe.. mas ok pa din yung korean version .. binago pa ang rhyme ng ost.. sana si alodia na lang ang dianne.. o kaya kristine hermosa.”

“ang gara, parang naging korny di bagay kay alex maging dianne shin.”

“Dapat: binigay kay Erich Gonzales yung role kasi parang bagay nya. Okay na ako kay Yen Santos, kay Alex hindi. Nakakadisappoint!

“Kumulat pa rati sa FB na si Kristine Hermosa at si Tricia Santos ang gaganap n’yan.”

What could be Alex’s reaction on this? Well, knowing her, malamang sa hindi ay deadmahin na lang niya ito.

Ano ba ang ginawa ni Alex para ma-deserve ang ganyang proyekto?

Parang wala naman, ‘di ba? Ham actress pa rin siya until now, ‘no!

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *