Tuesday , November 5 2024

Final four target ng EAC

UMAASA ang head coach ng Emilio Aguinaldo College na si Gerry Esplana na papasok sa Final Four ang Generals ngayong ika-90 season ng National Collegiate Athletic Association na magsisimula sa Hunyo 28.

Noong Season 89 ay nagtala ang EAC ng 10 panalo kontra sa walong talo ngunit hindi ito sapat upang makapasok sila sa semis.

Nagkaroon ng kom-piyansa ang mga bata sa experience namin last year kasi naisip nila na kaya naman pala,” wika ni Esplana na dating manlalaro ng Presto at Shell sa PBA. “Syempre, mas kai-langang doblehin pa namin ang effort kasi lumakas din naman ang ibang team.”

Ilan sa mga manlalarong sasandalan ni Esplana para sa EAC ay sina Noube Happi, Jan Jamon, Igee King, John Tayongtong, Jack Ar-quero at Sidney Onwubere.

Idinagdag ni Esplana na magiging hamon para sa Generals na malagpasan nila ang defending champion San Beda College.

“I know everyone will agree with me if I say San Beda is still the team to beat,” ani Esplana. “For us to have a good season, we need to find a way to beat San Beda or at least show them we can compete against them.”

(James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Anton Ignacio, World Jetski Champion

Anton Ignacio, World Jetski Champion

NAMAYAGPAG ang 18 anyos na si Anton Ignacio nang angkinin ang titulo ng prestihiyosong SBT-International …

Milo Gatherings of Champions

PSC, POC, DepEd pinarangalan sa Gatherings of Champions

TAPAT sa kanyang pangako sa pagbuo ng isang bayan ng mga kampeon, ipinagdiwang ng MILO® …

Ricielle Maleeka Melencio Go Full Speedo

Melencio nanguna sa MOS awardees ng PAI-Speedo Swim Series 2

NANGIBABAW si Ricielle Maleeka Melencio sa dalawa pang event para dalhin ang kanyang kabuuang gintong …

Nicola Queen Diamante

Diamante, Melencio, Evangelista namuno sa ‘Go Full Speedo’ Swim Series 2

NATAMO ni Nicola Queen Diamante ang gintong medalya sa 50-meter butterfly sa girls’ 14 years …

TOPS Manilas Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

Manila’s Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

SANIB PUWERSA ang Antigong Maynila, Inc. at New Manila’s Finest Retirees Association, Inc. (NMFRAI) para …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *