Kinalap ni Tracy Cabrera
MATATANDAAN pa siguro ang pelikulang Jurrassic Park, na kung saan ang isang siyentista ay nagawang buhaying muli ang mga kilabot na dinosaur tulad ng tyrranusaurus rex at mga velociraptor.
Ngayon ay inaanyayahan ang lahat para mamasyal sa tunay na Jurassic Park sa New Jersey!
Kumuha na ng private tour bago pa magbukas ito sa susunod na season!
Sasakay muna ng pitong-minutong biyahe sa trent mula sa Penn Station patungong Secaucus, saka maglalakad ng kalahating milya mula sa estasyon, at makakarating na sa Field Station: Dinosaurs.
Perfect ang backstory dito.
Sertipikadong dinosaur-lover si Guy Gsell, beterano sa children’s theater at yaong mga heavily promoted sciencey-exhibit na may tahanan sa Discovery Times Square, kaya nagdesisyon siyang gayahin ang Jurassic Park para makagawa ng ng pasyalang may theme at mayroon pang educational twist.
Gumugol siya ng 18 month para ma-develop ang outdoor exhibit park sa 16 acres ng inabandonang minahan sa New Jersey (dsating binansagang Snake Hill) at naglibot sa mundo para ikomisyon ang maraming mga animatronic na dinosaur, at narito na! Siya ang presidente at chief executive producer ng pamosong theme park.