“OUR aim is to become consistent. So far, that’s what we have been.”
Iyan ang turan ni Rain Or Shine head coach Joseller “Yeng” Guiao patungkol sa accomplishment ng kanyang koponang Rain or Shine hindi lamang sa kasalukuyang PLDT Home Telpad PBA Governors Cup kungdi sa mga nakalipas na torneo.
“We have made it to the semifinals of the past four or five conferences and that is quite a good accomplishment,” ani Guiao.
Kasi nga, ayon kay Guiao, ang Rain or Shine ay hindi naman isang high-profile team tulad ng iba.
Katunayan, hndi naman daw ‘expensive’ team ang Rain Or shine.
Kung tutuusin nga naman ay walang talagang big-named stars ang team na ito. Kung sino lang ang players na makuha sa Draft, iyon lang talaga ang nagtatagal sa team. iyon ang talaga ang naaasahan nila.
At ibang klase din naman talaga ang prinsipyong pinaiiral ni Guiao sa kanyang koponan. Iba ang prinsipyong isinasaksak niya sa isipan ng kanyang mga manlalaro.
Sa season na ito lang ay maganda na rin ang kanilang naabot. Biruin mong umabot sila sa best-of-seven Finals ng nakaraang Philippine Cup. Pero natalo nga lang sila sa nagkampeong San Mig Coffee.
Traditionally, sa third conference sila nahihirapan. Pero ngayon, tila maganda nga ang kanilang sagitsit.
Masagwa ang naging umpisa ng Rain or Shine na bumagsak kaagad sa 1-3 karta,
Pero matapos iyon ay hidi na nakalasap na ng kabiguan ang Elasto Painters. Winakasan nila ang elims sa pamamagitan ng limang panalo at pagkatapos ay tinambakan ang Air 21 sa quarterfinals.
Ngayo’y kalaban nila sa semis ang Alaska Milk na tinambakan naman nila ng 51 puntos sa elims.
Lahat ay positibo para sa Elasto Painters.
Pero ayaw ni Guiao na magkompiyansa ang kanyang mga bata.
Trabaho lang nang trabaho hanggang sa makumpleto nila ang kanilang misyon!
Sabrina Pascua