Tuesday , November 5 2024

TNT reresbak sa SMC

HINDI lamang isa kungdi tatlong key players ang may injury para sa San Mig Coffee.

Magkaganito man ay pipilitin ng Mixers na makaulit kontra Talk N Text sa Game Two ng best-of-five semifinal round ng PLDT Home Telpad PBA Governors Cup mamayang 5 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Hindi nakapaglaro si Peter June Simon sa huling dalawang games ng Mixers bunga ng back spasms. Sa kabila ng kanyang pagkawala ay tinalo ng Mixers ang San Miguel Beer, 97-90 sa quarterfinals upang pumasok sa semis.

Sa game One noong Huwebes ay naungusan ng San Mig Coffee ang Talk N Text, 92-88 sa overtime.

Sila’y pinangunahan ng import na si Marqus Blakely na nagtala ng 20 puntos. Nag-ambag ng 13 si James Yap samantalang gumawa ng 11 si Mark Barroca. Sina Allein Maliksi at Marc Pingris ay nagtapos nang may tig-sampung puntos.

Subalit nagtamo ng injuries sa laro sina Yap at Joe deVance. Si Yap ay nagkaroon ng sprained anklle. Hindi naman natapos ni DeVance ang laro nang iwan niya ito sa fourth quarter bunga ng back spasms.

“We just battled and stayed in the game to give ourselves a chance in the end,” ani Mixers coach Tim Cone. “Our guys are just battling and grinding it out. We’re just trying to create opportunities.”

Ang Talk N Text ay si-yang top team sa elims nang magposte ito ng 7-2 record. Tinambakan ng Tropang Texters ang Barako Bull, 99-84 sa quarterfinals upang marating ang semis.

Sa Game One ay nagtulong ang mga locals an sina Jayson Castro at Ranidel de Ocampo na nagtala ng 25 at 19 puntos. Nag-ambag ng 17 ang import na si Paul Harris.

Sa kabila ng pagkatalo ay naniniwala si TNT coach Norman Black na kaya nilang makabangon at marating ang finals sa ika-lawang sunod na pagkakataon. Sumasandig din si Black kina Kelly Williams, Jimmy Alapag, Larry Fonacier, Nino Canaleta at Harvey Carey.

Hangad ng Mixers na marating ang Finals upang patuloy na mabuhay ang tsansang makumpleto ang Grand Slam. Napanalunan ng San Mig Coffee ang kam-peonato ng huling tatlong conferences.

Ang iba pang inaasa-han ni Cone ay sina Ian Sangalang, Justin Melton Rafi Reavis at Alex Mallari.

About hataw tabloid

Check Also

Anton Ignacio, World Jetski Champion

Anton Ignacio, World Jetski Champion

NAMAYAGPAG ang 18 anyos na si Anton Ignacio nang angkinin ang titulo ng prestihiyosong SBT-International …

Milo Gatherings of Champions

PSC, POC, DepEd pinarangalan sa Gatherings of Champions

TAPAT sa kanyang pangako sa pagbuo ng isang bayan ng mga kampeon, ipinagdiwang ng MILO® …

Ricielle Maleeka Melencio Go Full Speedo

Melencio nanguna sa MOS awardees ng PAI-Speedo Swim Series 2

NANGIBABAW si Ricielle Maleeka Melencio sa dalawa pang event para dalhin ang kanyang kabuuang gintong …

Nicola Queen Diamante

Diamante, Melencio, Evangelista namuno sa ‘Go Full Speedo’ Swim Series 2

NATAMO ni Nicola Queen Diamante ang gintong medalya sa 50-meter butterfly sa girls’ 14 years …

TOPS Manilas Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

Manila’s Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

SANIB PUWERSA ang Antigong Maynila, Inc. at New Manila’s Finest Retirees Association, Inc. (NMFRAI) para …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *