Wednesday , December 25 2024

Tindahang puwedeng pagnakawan

NARITO ang isang kakaibang polisiya na hindi basta makikita kahit saang panig ng mundo: hinayag kamakailan ng Japanese clothing store na GU na maaa-ring pumili ang kanilang mga kostumer ng hanggang sa tatlong piyesa ng damit at saka umuwi para i-test-drive ang mga ito, basta isauli lang nila ang mga ito bago magtapos ang araw.

Habang lumilitaw na ito na masasabing ‘sanctioned shoplifting’, ang polisiya ay mayroon ding magandang katuwiran—nais labanan ng brand, na may pag-aari ng retail chain na Uniqlo, ang situwasyon na kung saan ang mga shopper ay bibili ng isang bagay, iuuwi ito, magbabago ng isip, at saka isasauli ang item.

Habang ang bagong polisiya ng ay maituturing na groundbreaking para sa isang retail store, hindi rin naman ito revolutionary para sa mga online store. Maraming mga online-only clothing at accessory company ang gumagamit na ng “test it out for a while before you buy it” na approach para magbenta ng kanilang mga produkto.

Halimbawa, nagpapadala ang eyewear brand na Warby Parker ng limang pares ng salamin sa mga kustomer at binibigyan nila ang mga ito ng limang araw para magdesisyon kung bibilhin ang alin sa mga ito o lahat.

Madalas nagpo-post ang mga kustomer   ng mga larawan ng kanilang mga sarili suot ang iba-ibang mga pares ng salamin paramakita sa social media, hinihingi sa kanilang mga kaibigan na tulungan silang magdesisyon kung alin ang nababagay sakanila. Ang resulta nito ay mga satisfied customer—at libreng publisidad din para sa kanilang brand.

Hindi lamang ismarte ang makabagong ideya ng GU para sa mga mamimili. Ang pababawas ng bilang ng mga return ay nakaka-save ng panahon at pera. At ang tindahan, na naglilimita sa sanctioned-shoplifting policy sa 30 katao bawat araw sa iisang lokasyon, a nag-e-encourage din ng mga potensyal na mamimili para pansinin kung ano ang pakiramdam nila kapag suot ang mga damit nilang napili, para matiyak na rin na ito ay talaga naming ‘good fit’.

At hindi lamang ang mga clothing at glasses retailers ang nagbibigay sa mga kostumer nito ng mas malawak na re-purchase time. Tumutulong ang lingerie company na True&Co para maawala ang anxiety mula sa pami-mili ng bra sa pamamagitan ng pagpapapunta ng isang kostumer para pumili sa limang bra at hayaan silang iuwi at isukat ang kanilang napili sa oob ng limang araw para madesisyunan kung bibilhin nila o hindi.

“Alam naming marami sa kababaihan ang ayaw pumunta ng fitting room, ang sukatan n gang estranghero at saka tumayo sa ilalim ng weird lighting habang naghahanap ng bra na hindi lamang fit kundi maganda rin sa paningin. Sa pagbibigay ng alternatibo sa mga babae namaranasan ito, nakapag-save kami ng mahalagang panahon din,” palianag chief-executive-officer ng True&Co CEO na si Michelle Lam.

“Sa pagsusukat sa loob ng kanilang taha-nan, nabibigyan ang kababaihan ng pagkakataon na subukan ang mga bra ka-tambal ng alin mang item sa kanilang clo-set at mabilis na madetermina kung aling bra ang uubra at babagay sa isang uri ng damit.”

Kinalap ni Tracy Cabrera

About hataw tabloid

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *