Hai gud day po senor,
Nanaginip po aq na lumilipad aq,,mababa po at pg pataas na po nabgsak aq,, peo pinipilit ko p ring lumipad,,at nung nkalipad aq nalglag nnmn hnggang magising aq na nalaglag na pla aq sa tulugan!!pki interpret nmn po,,salamat po,,keep it up HATAW!! 🙂 I’m ROSEMARIE_21 (09128938268)
To ROSEMARIE_21,
Kapag nanaginip na ikaw ay lumilipad, ito ay may kaugnayan sa sense of freedom na noong una ay inaakala mong wala kang kalayaaan o kaya naman ay limitado lamang ito. Dapat pahalagahan at ingatan ang mga magagandang kapalaran na dumarating sa iyo, upang hindi makalagpas sa iyo ang grasya at huwag masa-yang ang oportunidad na abot kamay mo na.Makabubuti rin kung hindi magiging pada-lus-dalos sa mga gagawing pagpapasya, lalo na ang may kinalaman sa mahahalagang bagay sa iyong buhay. Huwag din maging mainipin at matutong maghintay ng tamang pagkakataon para sa iyong mga minimithi sa buhay. Posible rin naman na ang bagay na ito ay isa sa paraan mo upang tumakas sa reyalidad, subalit mas mabuti kung ang anumang bagay na bumabagabag sa iyo ay haharapin mo, imbes na iwasan ito. Upang matuldukan na ito at makapag-move-on ka na.
Ang panaginip mo naman ukol sa pagkalaglag o pagkahulog, kung ikaw ay hindi natakot, nagpapakita ito na malalagpasan mo ang mga pagsubok na dumarating sa iyo sa paraang hindi ka mahihirapan. Kung ikaw naman ay natakot nang nahulog ka sa iyong panaginip, ito ay nagpapakita ng kawalan ng control, insecurity, and/or lack of support sa estadong ikaw ay gi-sing. Maaaring ikaw ay makaranas ng ilang major struggle and/or overwhelming problem. Ito rin ay maaaring nagsasaad ng kabiguan na makamit ang goal na iyong inilaan para sa iyong sarili. Subalit, hindi dapat mawalan ng pag-asawa sa mga pagsubok na darating dahil maaari mong baligtarin ang hindi kagandahang kapalaran na maaaring dumating sa iyo, depende sa tiwala mo sa iyong sarili at sa pananalig mo sa Diyos.
Señor H.