Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sayaw ng buhay sa GRR TNT

NATATANDAAN n’yo ba ang sikat na awitin ni Yoyoy Villame na  Mag-exercie Tayo Tuwing Umaga na sumikat dalawang dekada na ang nakararaan?

Patutunayan ng mga na-interbyu ni Mader Ricky sa kanyang programang Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) na ito’y totoo. Ang exer-sayaw ay nakakapagpa-relax at nakakapagpatibay ng katawan ng mga senior citizen o ng mga may edad na 60-anyos pataas.

Itatampok din ang dalawang magagaling at seksing sina Regine Tolentino at Geleen Eugeniona nagturo at humasa sa mga taga-showbiz na bumandera sa sayawan.

Bibisita si Mader Ricky sa teyping ng bagong Kapuso  dance show na  Marian at dito’y ibibida ng Primetime Queen ang kanyang hilig sa pagsasayaw bago siya napasok sa commercial modeling at pag-aartista.  Ang pagsasayaw din ang sikreto sa hugis-gitara niyang katawan.

May bonus na istoryang romantiko pa tungkol sa isang babae’t isang lalaki na sa dancefloor nagkakilala at nagkaibigan. Ito ang tunay na sayaw ng pag-ibig.

Aaminin din ni Mader Ricky na siya ma’y adik sa ballroom dancing 10  taon na ang nakararaan.”Walang tatalo sa sayawan sa aking yumaong inang si Mama Ada na nakilalang Reyna ng Sayaw noong dalaga pa siya. Kaya nga, sa kanya siguro ako nagmana. Na tuwing makakarinig ng masayang musika’y sadyang kumakati ang paa at hala-bira sa kaiindak,”sey ni Mader RR.

Sa mga kabataang mahilig gumimik at sumayaw, may ipakikita sa programa na isang Hip Hop Make-over mula ulo hanggang paa.

Huwag kaligtaang panoorin ang GRR TNT tuwing Sabado, 9:00-10:00 a.m. sa GMA News TV.  Produksiyon ito ng ScriptoVision.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vilma Santos Mikee Morada Alex Gonzaga

Gov Vilma na-miss ng mga taga-Lipa; Alex at Mikee sinusubukan pa ring makabuo ng baby

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SAYANG at hindi nakadalo ng misa sa San Sebastian Cathedral sa …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …