Ngayong darating na Linggo ay idaraos na sa pista ng Sta. Ana Park ang pinakaaabangang 2nd Leg 2014 PHILRACOM “Triple Crown Stakes Race” na kinabibilangan ng mga kabayong sina Kaiserlautern, Kanlaon, Kid Molave, Low Profile, Macho Machine, Malaya, Matang Tubig at Tap Dance. Sila ay maglalaban sa distansiyang 1,800 meters at may nakalaan na halagang P1.8M para sa may-ari o koneksiyon ng magwawaging kalahok.
Base sa aking pag-aaral ay puwera aberya o anumang antala sa takbuhan ay kaya pang makasungkit ni Kid Molave ng isa pang leg, iyong tipong hindi siya mabibigyan ng perwisyo at maging diretso lamang ang kanyang pagtakbo.
Tingin kong maaaring makagawa ng upset ay iyong tambalan nina Malaya at Kanlaon, pero siyempre hindi pa rin natin puwedeng balewalain ang iba pang kasali kagaya ng magka-kuwadrang sina Kaiserlautern at Tap Dance na may mahaba ring hininga para sa distansiya.
Fred L. Magno