ni John Fontanilla
Baby Zion, may offer na ring TV commercial
ISA sa maituturing na pinakamalaking pasabog ngayong taon ang paglantad sa publiko ni Baby Zion na hindi lang usap-usapan sa apat na sulok ng Pilipinas kung hindi maging isa iba‘t ibang bansa.
Bongga nga ang kasikatang tinatamasa nito ngayon na kabi-kabli ang cover sa iba‘t ibang magazine. Laman din ito ng mga broadsheet at tabloid gayundin ng networking sites.
Proud Mom and Dad nga sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati at maging ang LolaAnnabelle Rama nito dahil sa maraming nagsasabing very cute si Baby Zion.
Sinasabing any days from now ay mapapanood na rin sa mga TV commercial and who knows baka sa mga TV show o pelikula kung papayagan nina Richard at Sarah.
Ina ni Sarah, nainsulto nang sabihang mag-uwi ng pagkain
“PARA akong patay gutom na aalukin ng tirang pagkain!” ito ang unang mensahe ni Mrs. Esther Lahbati na kanyang post sa Instagram Account na gumawa ng malaking kontrobersiya after ng bongga at engrandeng binyagan at 1st birthday ni Baby Zion.
Sunod na post nito, ”The truth! Masakit ang ma-ignore sa party. Hindi naman puwede pera-pera na lang ang laging nangingibabaw para lang makilala ka sa lipunan.”
Na sinundan pa ng, ”At the end of the day sinabihan pa ‘ko ng, ‘Esther, magbalot ka ng mga tirang pagkain d’yan. Ipinarinig pa sa mga bisita, grabe! Naawa ako sa sarili ko. The whole party hindi ako pinansin tapos para akong patay gutom na aalukin ng tirang pagkain.”
Walang nabanggit na pangalan si Mommy Esther pero alam ng mga nakabasa ng kanyang posts na may pinatatamaan ito at dito siya labis na nasaktan habang nagaganap ang party ng kanyang apo.