Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Female singer, ina-advance agad ang TF

ni Ronnie Cararrasco III

SEGUEL ito sa aming naunang tsika tungkol sa isang female singer, na bukod sa walang bitbit na gamit sa kanyang recent taping ay parang ganadong-ganado sa pagkain sa set.

In fairness, kauna-unawa ang kanyang kalagayan ngayon. With no stable job, kailangan niyang rumaket to fend for her family. Kaya naman nang dumating sa set (naging cause of delay pa siya dahil magrorolyo na ay prenteng-prenteng nakasalampak pa sa sofa, wala pa raw kasi siyang medyas na isusuot!), ang bungad niyang tanong sa staff na kumontak sa kanya: “Magkano ang TF ko?”

Sagot naman ng staff, P10K. Hirit ng hitad, “Makukuha ko na rin ngayon?” Ani staff, hindi raw dahil gagawan pa ‘yon ng cash voucher. Sa takdang araw ng bayaran sa mga guest daw ‘yon makokolekta ng singer.

Nanlulumong reaksiyon ng hitad, “Ay, hindi ba puwedeng kalahati, sa darating na cut-off, tapos, ‘yung kalahati, cash?”

Ewan kung pinagbigyan ng production ang hiling ng mang-aawit na itago na lang natin sa alyas na Arianne Malvar.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …