SA feng shui, ang brown color ay nagrerepresenta sa feng shui element ng Wood at mainam gamitin sa sumusunod na feng shui bagua areas: East (Health and Family), Southeast (Wealth and Abundance), at South (Fame and Reputation).
Ang brown ay feng shui color na may big comeback sa nakaraang mga taon.
Ito ay may nourishing feng shui energy, at bumalik sa rich tones at iniugnay sa yummy dark chocolate, gourmet coffee at napakagandang mahogany wood.
Ito ay excellent feng shui color choice sa main entry, sa kusina, o bilang feature wall sa living room o bedroom.
Iwasan ang predominant brown color scheme sa children’s bedroom, gayundin sa Southwest feng shui bagua area ng inyong bahay.
Ang lugar, sa bahay man o opisina, na sobra ang brown color ay posibleng humantong sa mga nakatira rito sa kawalan ng ambisyon at determinasyon na sumulong sa buhay, kaya mainam na feng shui idea ang panatilihing balanse ang brown color sa iba pang mga kulay.
Ang combo ng chocolate brown at robin egg’s blue color ay kabilang pa rin sa most popular feng shui color combinations na ginagamit sa interior décor, gayundin sa disenyo ng maraming
home-related products.
Lady Choi