Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bigong makapasok sa construction nanarak ng ice pick

KRITIKAL ngayon ang isang mister matapos saksakin ng kapitbahay na hindi natulungang makapasok sa isang construction kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ginagamot ngayon sa ospital ang biktimang si Rodolfo Muncal, 43, contruction worker, ng Dimasalang St., Maypajo, Brgy. 30 ng nasabing lungsod.

Tumakas ang suspek na kinilala lamang sa pangalang Jess.

Sa ulat ni PO1 Genesis Acana, may hawak ng kaso, dakong 6:45 pm nang maganap ang insidente sa kanto ng Dimasalang at Binangonan Sts. ng nasabing barangay.

Pauwi na ang biktima nang salubungin ng suspek at nang malaman na hindi maipapasok sa pinagtatrabahuhang contruction site ay nagalit at inundayan ng saksak ng ice pick ang biktima.

Tumakas ang suspek at ngayon ay pinaghahanap na ng pulisya.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …