Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bagong sitcom ng GMA, may pagka-politika

ni Ronnie Carrasco III

NO malice intended, pero sa likod ng aming malikot na utak ay tila may political statement ang hatid ng bagong sitcom ng GMA na Ismol Family.

First of all, we give credit to GMA dahil let’s face it, on its sitcoms—na buti na lang ay ibinabalik sa ere—lie the very strength of the network.  However, let me be crucified for saying na ang kalakasan naman ng ABS-CBN ay ang mga heavy dramaserye nito na patok sa mga manonood.

Going back to Ismol Family, why are we saying na may “pagkapolitikal”  ang family-oriented Sunday show na ito kundi man napapanahon?

Sana’y nagkataon lang ang pagiging malikot din ng utak ng creative team sa likod nito.

The sitcom is led by Ryan Agoncillo na ang papel na ginagampanan ay si Jingo (pronounced as Jing-go). Hmmm, sounds like Jinggoy (Estrada).

Gumaganap naman bilang dakilang tambahay (tambay sa bahay) ay si Mike Nacuana higit kilala bilang Pekto whose name in the sitcom is Bobong.  Another hmmm, sounds like Bong (Revilla).

Sa mga ipinakilalang cast members, wala ni isa sa kanila ang nagtataglay ng pangalang Manong Johnny. ‘Di sana’y kompleto na ang casting ng mga akusado ng pandarambong.

MONA LOUISE, ‘DI HADLANG ANG PAGKAKAROON NG DIABETIS SA PAG-AARTISTA

ADMITTEDLY, ang inyong lingkod was a big fan of Binoy Henyo kaya for sure, the young ones as well the young once will enjoy another family-oriented drama series, ang My BFF.

Of course, alam ng lahat ang ibig sabihin ng naturang acronym being Best Friend Forever. And like Elsie/Chelsea (Jillian Ward) and Rachel (Mona Louise Rey) ay mayroon din tayong kanya-kanyang BFF sa buhay.

How Elsie/Chelsea’s and Rachel’s lives are connected to each other defines the essence ng isang makahulugang pagkakaibigan that spans far and yonder.

Isang cute little ghost dito si Jillian who’s run over by a car when trying to save Mona na naging sanhi ng kanyang pagkamatay, while Mona has a discerning third eye.

Bagamat ang friendship ng dalawang bagets na ito is the centrepiece of the story, ang mga magulang ni Mona played by Janno Gibbs (Christian) at Manilyn Reynes(Lyn) ay may mga family issue na kailangan nilang resolbahin.

Anyway, nakabibilib ang husay at sipag, hindi lang nina Jillian at Mona kundi ang iba pang child stars dito na sina Isabel Frial, Jen-Jen Chubb, Miggs Cuaderno at special mention ang aming paboritong si Angel Satsumi (na nasa Binoy Henyo rin at napapanood sa Pepito Manaloto).

But of the six talented kids, our admiration goes out the most to Mona Louise, a diabetic child who administers insulin shots herself. Buti na lang aniya, ”Hindi po hadlang ang sakit ko para matupad ko po ang wish ko. Bata pa po kasi ako, eh, gusto ko na po talagang mag-artista.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …