Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Air21 ibinibenta na sa NLEX

KINOMPIRMA ng team manager at board governor ng Air21 na si Lito Alvarez ang planong pagbenta ng prangkisa ng Express sa North Luzon Expressway (NLEX).

Sinabi ni Alvarez na nagkausap sila ng ilang mga opisyal ng NLEX sa Hong Kong noong Sabado at inilihim niya ito sa mga manlalaro at coaching staff hanggang sa matalo ang Express noong isang gabi kontra Rain or Shine upang tuluyang malaglag sa kontensiyon sa PBA Governors Cup.

“Sila ang lumapit sa amin so we gave them our asking price,” wika ni Alvarez.

“Sila ang mag-a-announce about the purchase of the franchise. If hindi sila mag-announce, eh ‘di tuloy pa rin kami rito kaya naman namin eh.”

Kapag natuloy ang pagbenta ng Air21 sa NLEX, magiging tatlo na ang mga koponang pag-aari ni Manny V. Pangilinan bukod sa Talk n Text at Meralco.

Sinabi ni PBA Commissioner Chito Salud na kailangang dumaan sa PBA board ang pagbenta ng Air21 sa NLEX.

“I know Manny Pangilinan, ayaw niya ng mahina na team, so gusto niya kapag nag-acquire siya ng franchise yung may materyales na. Ayaw niya ng manonood siya ng game tapos tinatambakan lang yung team niya. He wants a competitive team that’s the reason why he talked to us,” ani Alvarez.

Kapag natuloy ang pagbenta ng Air21 sa NLEX ay siguradong mapupunta sa Road Warriors ang mga manlalaro ng Express tulad nina Asi Taulava at Mac Cardona na dating naglaro sa TNT at Meralco.

Ngunit hindi pa si-gurado kung si Franz Pumaren pa rin ang hahawak sa Road Warriors.

“Ni-review kasi ng NLEX yung mga contract ng mga players. Sinilip na nila kung sino ang expiring at sino ang may existing contracts,” dagdag ni Alvarez. (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …