Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kristine, buntis sa ikalawang baby nila ni Oyo

ni John Fontanilla

MUKHANG masusundan na ng isa pa ang anak ng mag-asawang Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto dahil balitang buntis na nga ang aktres na may pinakamaganda at maamong mukha sa kanyang henerasyon.

Magiging dalawa na ang apo ng mahusay na host/comedian na si Vic Sotto sa mag-asawang Kristine at Oyo. Kaya naman daw medyo lie low muna sa pagtanggap ng mga commitment si Kristine para maalagaan ang pagbubuntis.

At sa pagseselebra nga ni Oyo ng kanyang 1st Father’s day, isang magandang balita naman para rito na malamang buntis na ang kanyang maybahay na si Kristine nat madaragdagan na isa pang bata ang kanilang masayang tahanan.

KRISTOFFER, NO WAY SA TORRID KISSING SCENE SA KAPWA LALAKI!

WILLING daw gumanap na bading mapa-telebisyon o pelikula ang award winning GMAteen actor na si Kristoffer Martin katulad ng naging pagganap niya sa isang episode ngMagpakailanman. Pero hindi pa raw nito kayang makipaghalikan sa kapwa niya lalaki.

Akward nga para kay Kristoffer ang makita ang sarili na nakikipaghalikan sa kanyang kapwa artistang lalaki lalo na kung kaibigan niya ang makakaeksena. Hindi naman daw sa ayaw niya itong gawin, pero sa ngayon ay hindi pa niya ma-imagine na gagawin niya ‘yun.

Siguro raw ay may tamang panahon para gawin ‘yun, ‘pag handa na siya at kaya na niya. Sa ngayon ay ang pag-arte at pagdadamit babae pa lang  ang kaya niyang gawin. Okey lang din ang beso-beso o magkatabi sa kama ang eksena, wag lang daw ‘yung todo-todo na may torrid kissing scene o mas grabe pa roon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …