Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Commuters stranded sa ‘caravan’

APEKTADO ang libong-libong commuters nang ma-stranded sa iba’t ibang lugar dahil sa protest caravan o tigil pasada kontra sa pagpapataw nang mataas na multa sa mga kolorum na sasakyan kahapon.

Base sa report na natanggap ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), maraming commuters na bumibiyahe mula Cavite hanggang Pasay at Maynila ang na-stranded at nahirapang sumakay.

Naging matagal ang paghihintay ng masasakyan ng mga pasahero sa kahabaan ng Commonwealth at Balintawak sa Quezon City dahil punuan ang iilang pampasaherong bus at jeep, maging ang lugar ng Cavite ay naapektohan ang mga commuters lalo na ang mga nagtatrabaho sa Maynila.

ni JAJA GARCIA

PRANGKISA NG LUMAHOK KAKANSELAHIN

NAGBANTA ang Palasyo sa mga operator ng pampublikong mga sasakyan na lumahok kahapon sa transport strike na kakanselahin ang kanilang prangkisa.

Sinang-ayunan ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. ang pahayag ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Winston Ginez na iimbestigahan ang may-ari ng mga prangkisa ng mga pampasaherong sasakyan na sumali sa kilos-protesta laban sa ipapataw na mas mataas na multa sa colorum na mga sasakyan na maaaring magresulta sa pagkansela sa kanilang prangkisa.

“We will subject the franchise owners of public utility vehicles to a hearing and, if evidence warrants, we will cancel their franchise,” pahayag ni Ginez.

Ipinagtanggol din ni Coloma ang pagpataw nang mas mataas na multa sa operator ng colorum na sasakyan dahil dapat aniyang maparusahan ang mga lumalabag sa batas.

“Ang colorum ay illegal, labag sa batas. Pagpapatupad ng batas ang pangunahing layunin [ng ginagawa ng pamahalaan],” sabi ni Coloma.

Naglunsad kahapon ng kilos-protesta ang iba’t ibang transport group bilang pagtuligsa sa administrasyong Aquino bunsod ng pagpayag sa mas mataas na multa para kumita nang malaki ang gobyerno.

”Sa ganyang paraan mapapangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng mga mamamayan,” giit ni Coloma.

Simula kahapon ay ipinatupad na ng Department of Transportations and Communications (DoTC) ang bagong patakaran na nagpapataw ng multa sa operator ng colorum sa unang paglabag pa lang, bus: P1 milyon, trucks: P200,000, jeepneys: P50,000,vans: P200,000, sedans: P120,000 at motorcycles: P6,000.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …