Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Relasyon ni Jake kay Chanel Olive, for keeps na raw!

ni Pilar Mateo

IN high spirits si Jake Cuenca nang dumalo sa event ng HBC (Hortaleza) sa kanilang National Makeover Day in time rin sa Father’s Day in Trinoma.

Hitsura ng concert king na nagkakanta ito at umikot sa ‘di mabilang na  attendees ng nasabing event.

“Galing pa nga ako ng taping ng ‘Ikaw Lamang’.  Pinayagan naman ako ng staff na umalis sandali. So, masaya lang si Franco ngayon although nang makaligtas siya at mabuhay, mas sumama ang ugali niya.”

Kitang-kita rin naman na head over heels in love ang aktor sa kanyang 3-months old na girlfriend na si Chanel Olive Thomas.

Anong kuwento?

“This is for keeps!”

Sabe? Nag-propose na ba siya? Engaged na sila? Never pang nasabi ito sa mga past relationships niya ha!

“Siguro pinaghahandaan na rin. Kasi, iba ‘yung nakita ko sa mundo naming dalawa. Magkasundong-magkasundo kami.”

Sa kaabalahan niyo, she being a model at ikaw na maraming commitments how do you find the time to take care of each other?

“’Pag gusto may paraan. ‘Pag ayaw may dahilan, ‘di ba? Kung pwede niyo ma-workout ang schedules niyo to have the time for each other-mangyayari naman. Noong one month pa lang kami, I took her to Bali, Indonesia! ‘Yun ang time namin to get to know each other.”

Hawig ba talaga siya ni Jessy Mendiola?

“Alam natin napakaganda ni Jessy. But Chanel has the blood of an Australian.”

The bashers think otherwise.

“As her boyfriend, it’s my role siyempre na ipagtanggol siya in a nice way. Ayaw naming makipag-away. Maging happy na lang tayo.”

And this is for keeps!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …