Tuesday , November 5 2024

Raymart naghain ng ‘not guilty’ (Sa physical abuse case ni Claudine)

ITINAKDA sa Agosto ang simula ng pre-trial sa kasong physical abuse na isinampa ng aktres na si Claudine Barretto sa nakahiwalayang mister na si Raymart Santiago.

Ito ay makaraan naghain ng not guilty plea si Santiago sa pagdalo sa arraignment kahapon.

Naniniwala ang aktres na may patutunguhan ang isinampa niyang kaso laban sa aktor.

Una rito, halos magkasabay na dumating sa korte sina Claudine at Raymart ngunit dahil sa gag order ay hindi pa maaaring magkomento ang dalawa tungkol sa nasabing kaso.

Samantala, ibinida ng aktor na binati siya ng ama ni Claudine nang magkita sila sa korte.

Aniya, “Alam naman kasi niya ang totoo, at ‘yun na lang. Kung totoong ginawa ko ‘yun, sa tingin mo ba babatiin ako ng mga magulang?”

Una rito, lumabas sa resolusyon ng Marikina City Prosecutor’s Office na may probable cause ang reklamong isinampa ni Barretto na dalawang beses siyang sinaktan at inabuso ng dating mister.

About hataw tabloid

Check Also

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *