IMINUNGKAHI ni Bayan Muna partylist Rep. Carlos Isa-gani Zarate sa gobyerno na ayu-sin at bigyan nang sapat na pondo ang maintenance ng mga kulungan sa bansa.
Ayon kay Zarate, ito ang dapat bigyang pansin at hindi ang mga suhestyon na magtayo ng detention center para sa mga high profile na mga akusado sa mga non-bailable offense.
Magugunitang isinusulong ng ilang kongresista ang hiwalay na detention facility para sa mga kilalang indibidwal na nahaharap sa non-bailable cases.
Ayon kay Zarate, dapat ipi-naiiral ng gobyerno ang pantay na pagtrato sa mga bilanggo, maimpluwensiya man o hindi.
Pahabol ng mambabatas, sa darating na pagdinig sa budget ng gobyerno ay kanilang uungkatin kung saan napupunta ang pondo para sa mga bilangguan.