Tuesday , November 5 2024

Jommel Lazaro pinaglaruan ang nakalaban

Pinaglaruan ng hineteng si Jommel Lazaro sakay ng kabayong si Whoelse ang kanilang mga nakalaban sa isang Handicap Race Group-03.

Sa largahan ay marahan na pina-ayre ni Jommel si Whoelse at hinayaan muna nila na magdikta ng harapan ang mga nasa tabing balya na sina Fleet Wood at Al Safirah. Subalit paglagpas ng unang kurbadahan ay kumukusa si Whoelse, kaya inilayag ng bahagya ni Jommel ang kanyang renda.

Pagpasok sa medya milya ay nakuha na nila ang unahan habang nilalaro-laro lamang ni Jommel. Pagsungaw ng rektahan ay biglaang dumating sa eksena ang rumemateng si Niagara Boogie, pero hindi iyon naging balakid kay Jommel at tinapos niya ang laban ng walang lingunan sa mga kalaban.

Naorasan ang takbuhan na iyan ng 1:38.2 (19′-25′-25′-28) para sa 1,500 meters na distansiya.

Fred L. Magno

About hataw tabloid

Check Also

Anton Ignacio, World Jetski Champion

Anton Ignacio, World Jetski Champion

NAMAYAGPAG ang 18 anyos na si Anton Ignacio nang angkinin ang titulo ng prestihiyosong SBT-International …

Milo Gatherings of Champions

PSC, POC, DepEd pinarangalan sa Gatherings of Champions

TAPAT sa kanyang pangako sa pagbuo ng isang bayan ng mga kampeon, ipinagdiwang ng MILO® …

Ricielle Maleeka Melencio Go Full Speedo

Melencio nanguna sa MOS awardees ng PAI-Speedo Swim Series 2

NANGIBABAW si Ricielle Maleeka Melencio sa dalawa pang event para dalhin ang kanyang kabuuang gintong …

Nicola Queen Diamante

Diamante, Melencio, Evangelista namuno sa ‘Go Full Speedo’ Swim Series 2

NATAMO ni Nicola Queen Diamante ang gintong medalya sa 50-meter butterfly sa girls’ 14 years …

TOPS Manilas Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

Manila’s Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

SANIB PUWERSA ang Antigong Maynila, Inc. at New Manila’s Finest Retirees Association, Inc. (NMFRAI) para …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *