Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

AKCUPI dog shows sa Hunyo 22

Ang Asian Kennel Club Union of the Philippines (AKCUPI) ay magtatanghal ng kanyang ika-60 at ika-61 International All-Breed Dog Shows sa Linggo, Hunyo 22 sa Tiendesitas, Pasig City.

Ang shows ay huhusgahan ng dalawang batikang international dog show judges na sina Il Sub Yoon ng Korea at Edgardo C. Cruz ng Pilipinas na may kanya-kanyang set ng magwawagi sa mga kategoryang Best Baby Puppy, Best Philippine-born at Best in Show mula sa pitong breed groupings – toy, sporting, hound, terrier, non-sporting, working at herding.

Si Il, isang propesor sa Caninelogy sa Korea, ay may akda ng mga libro tungol sa aso at nagsilbing tagapayo sa Agriculture and Forest Ministry at National Veterinary Research and Quarantine Service at kasalukuyang tagapayo sa Supreme Court ng Korea. Kasalukuyang Chairman ng Judges Committee ng Korean Kennel Club, si Il ay humuhusga sa dog shows simula pa nung 1988 at sinasanay ang mga baguhang dog show judges sa kanyang bansa. Nakapaghusga na siya sa Malaysia, Korea at Pilipinas.

Si Cruz, ang pinakmatagal na naglingkod bilang director ng Philippine Canine Club, Inc. (PCCI), ay naging pangulo ng PCCI nung 2001 at 2005 at naging chairman ng Corporate Show Committee. Sa loob ng dalawang taon naging chairman siya ng Affiliated Clubs Committee kung saan sumanib sa PCCI ang affiliated clubs. Sa kasalukuyan, si Cruz ang vice president ng AKCUPI at chairman ng Affiliated Clubs Committee. Naglingkod siya bilang chairman ng Judges Licensing Committee at humusga rin siya ng dog shows sa Spain, Japan, Korea at Malaysia. Nakapagtapos ng Psychology mula sa Ateneo de Manila University, si Cruz ay charter member at naging pangulo ng Rotary Club of Greenhills.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …